Pag-ibig (Talumpati)
- EJ Almira Gibas
- Jul 22, 2019
- 1 min read
Para sa inyo ano nga ba ang pag-ibig? Madaming klase ng pag-ibig. May pag-ibig sa hayop, sa tao, sa bagay, sa Diyos at may pag-ibig sa kaibigan at kaibigan. Ang pag-ibig o pagmamahal ay di lang sa salita pinaparamdam kundi sa gawa. Ang pagmamahal ay nararamdaman, ito ay walang eksaktong depenisyon. Pag nagmahal ka dapat handa ka sa lahat ng sakit na maari mong maramdaman. Kakayanin mo lahat ng selos. Handa ka ba sa pagsubok na pwede nyong kaharapin? Ang isang relasyon sa makabagong henerasyon ay maaring magsimula sa simpleng "wave" sa messemger at sasabihing "Ay! napindot". pwede din itong masundan ng "pwede ba kitang maging kaibigan?" kahit na ang tunay nyang ibig sabihin ay kaibigan. Ang ligawan sa panahon ngayon ay napakadali na lamang. Ang tunay na pag-ibig ay hindi iniintay, ito ay kusang dumadating ng di mo nalalaman. Ang pinaka masakit na uri ng pag-ibig para sakin ay ang "one-sided love". Dahil isa lang ang nagmamahal, at kadalasan di nasusuklian ang pagmamahal na iyon.
Comentarios