Pagbalik
- EJ Almira Gibas
- Jan 19, 2020
- 1 min read
Sayong pagbalik Di ko alam kung ika'y tatanggapin Dahil ako na'y bumitiw Sa dating lubid na nag uugnay satin
Pinipilit mong dugtungan Ang storya ng ating pagmamahalan Ngunit matagal ko ng tinigilan At nilagyan na ito ng katapusan
Bumungad sayo ang wakas Ang saradong pinto na kailanman di na magbubukas Nakita mo na ang dulo ng "walang hanggan" Dito na nagtatapos ang ating sinimulan
Bakit mo ba ko binabalikan? Para maibalik ang aking nararamdaman? At muling iparamdam ang sakit ng nakaraan? O para ako'y lokohin at sa huli'y muling iiwanan?
Sa ere ako'y pinagka- angat angat At hinayaang mag isang bumagsak sa katotohanan Tinanong kita, dapat bang ika'y bitawan Salamat, at naibigay sayo ang kalayaang hinangad.
Comments