Asa
- EJ Almira Gibas
- Oct 20, 2019
- 1 min read
Subukan natin ibaik yung dating tayo Kasabay ng pagbalik ng dating ako Kung san at pa'no natin sinimulan ito Sa lugar kung saan ang landas natin ay nagtagpo
Oo, aminado ako Umasa ako Akala ko kaya pang maibalik Maibalik ang dating tayo
dahil hanggang ngayon ay mahal kita Kahit na itinatanggi ko 'to sa iba Pinipilit kong pigilan Na mahalin ka ng lubusan
Dahil alam ko sa huli ako lang ang masasaktan
At alam kong isa itong malaking kahangalan
Natatakot ako na pag minahal kita tulad dati Ay baka maulit ang sakit at pighati Ng pusong hanggang ngayon ay naiyak Mula sa bangungot ng nakaraan
Commentaires