Paglayo
- EJ Almira Gibas
- Nov 16, 2019
- 1 min read
Updated: May 8, 2020
Saking pag layo Tunay na kaligayahan sana'y makita mo 'Yan ang tanging hiling ko Para sayo Lagi kong iniisip Paulit ulit Na hindi dapat ako magalit Dahil kasalanan ko din ang pag iwas mo sakin Gabi gabi di makatulog Laging iniisip saan ba ko patungo San ba talaga ako dadalhin Ng landas kong papalayo sayo Saking paglayo Napag isip ko ang mga sinabi mo Sa pagkakataong ito Ay dapat ngang pagmamahal sayo'y ihinto
Ako nalang naman ang nakakapit
Sa kalahating lubid
Ng naputol nating ugnayan
At ngayon gusto ko na din putulin ang ating usapan
Pagod na ko ipilit pa
Ang sarili ko sa taong may mahal ng iba
Kaya saking paglayo
Kaligayahan mo sana'y matamo.
Yorumlar