Ito Nanaman
- EJ Almira Gibas
- Jul 27, 2019
- 1 min read
Updated: Oct 20, 2019
May iba ka ng nagugustuhan
Samantalang ako'y naguguluhan
At ngayon hindi ko maintindihan
Hindi ko kaya paniwalaan
Hindi ko kayang matanggap
Bakit ako'y iniwanan?
Iniwanan ng biglaan
Biglaan sa kawalan
Balik tayo sa umpisa
Noong mahal pa natin ang isa't isa
Mga panahong pinaniniwalaan natin ang "tayo hanggang dulo"
Sa lugar na kung san tayo unang nagtagpo
Tanda mo pa ba?
Sabay natin pinagdasal, na sana tayo na
Nangako tayo ng walang hanggan, Hindi magiiwanan
Pero bakit bigla mo kong binitawan?
Iba na ang iyong hinahanap
Habang ako'y nag papanggap
Habang ika'y maligaya sa iba
Ako naman ay nagkukunwaring masaya para sa inyong dalawa.
Umasa nanaman ako
Akala ko babalik ka sa piling ko
Kung hindi ka nagpakita ng motibo
Edi sana Hindi ako nahihirapan ng ganito
Paulit ulit na lang ang lahat
Laging walang kasiguraduhan
Dapat na bang ikaw ay iwanan?
O dapat pa ba akong mag hintay?

Comentários