Siya
- EJ Almira Gibas
- Jul 17, 2019
- 1 min read
Updated: Jul 30, 2019
Mahal ko, itigil na natin to
Kasi kung tunay na mahal mo ko
Una palang ika'y magpapakatotoo
At hindi mo na sana pinaabot ng tatlo
Mas lalong di mo na sinimulan sana
Umpisa palang di kita kailangan
Di mo ko kailangan tulungan
Dahil ito'y akin nang napagdaanan Bakit di mo subukang sumuko na
Alam mo naman na wala ng patutunguhan pa
Ang iyong nadarama?
Pakisubukan ibaling sa iba. Alam kong makita lang siya iba ang dulot na saya
Kahit na madalas may luha sayong mga mata
Naguguluhan ka na ba sa iyong nadarama?
Minsan naisip mo bang tumigil na? Pigilan ang sobrang pag mamahal sa kanya.
Bakit di mo subukan ibaling ang atensyon sa iba?
Para kahit papaano malimot mo sya.
Minahal kita Higit pa sa iyong inaakala Pero gusto mo siya Wala akong magagawa
Kundi ang mag paraya
Hindi ako ang pinagmumulan mo ng saya
Iba ang nakakapag bigay ningning sa iyong mga mata Wala akong ibang masabi kundi "Paalam na. Hanggang sa muling nating pagkikita"

Comments