IBA
- EJ Almira Gibas
- Sep 11, 2019
- 1 min read
Updated: Sep 11, 2019
Sinubukan kong magsimula
Ng panibagong kabanata
Bagong storya
Na hindi na siya ang kasama
Pinili kita,
At tuluyang iniwan ko na siya
Pero di ko inakala
Ang lahat ay magtatapos bigla
Tila ba isa lamang itong maikling kwento O siguro ito'y mahaba ngunit wala ng kwenta ang dulo Lahat ng pangyayari ay nasa simula Nakakawalang gana na ang naging paksa
Paulit ulit na lang ang pangyayari
Makakahanap, iiwan, iiyak ka na lang palagi
Minsan di mo ba nagawang isipin
May nagmamahal sayo di mo lang pinapansin
Lagi kong tanong "babalik ka pa ba?"
walang katapusan, walang kasagutan
"Mahal mo ba ko?"
Katahimikan ang lagi mong tugon
Comments