Panibagong Simula (Alaalang Binalikan)
- EJ Almira Gibas
- Aug 2, 2019
- 1 min read
Gusto ko ibalik ang lahat sa umpisa Mga panahong hindi pa kita nakikilala Mga oras na di na dapat balikan pa Mga araw na lagi kitang kasama
Gusto kong mag simula ng panibagong storya
Panibagong yugto at kabanata Bagong storya nating dalawa Pero sa pagkakataong ito, tayo'y magkahiwalay na
Ang dating tayo Ngayon ay naging ikaw at ako Di na muling magsasama Mga pangalan nating simula palang di na dapat nagkasama
Gusto na kitang kalimutan Dahil habang naiisip ka'y lalo lang ako nasasaktan Nauna mo na akong iwanan sa kawalan Pero bakit hanggang ngayon iniintay kita, sa lugar kung saan mo ko iniwanan
Dahil di ko lubos na maunawaan, Bakit pinilit mong kumawala? Saakin na ang tanging gusto lamang ay mahalin ka Minahal kita higit pa sa kaya ng iba, nakakasakal na ba?
Comments